Tags: muni-muni

hehe proud ok

(no subject)

Ang aga natulog ni Prof ngayon (masakit daw ang ulo, di ko na nausisa kung bakit), kaya buti na lang nag-online si Mareng Jopay at may nakausap ako kahit paano. Pakiramdam ko kasi mababaliw ako kung wala akong nakausap ngayong gabi kahit sandali lang.

Medyo okay na ako ngayon.

...

Hindi pa rin ako makatulog nga lang, at bored ako kaya nagbusy-busyhan ako. Nainggit ako kay Dinglet kaya gumawa rin ako ng Profile Page! ^^ Hehehe. Hindi nga lang siya kasing-cute nung kay Dinglet, pero okay lang. At least meron na. :P

At bago na rin ang layout ko! ^^ Ewan ko kung tatagal 'to... trial lang naman dahil naaliw ako sa itsura niya. Earthy at classy naman siya tingnan. ^^

...

Seph, yung binigay kong stuffed toy na horse sa iyo may mommy yan!


Hehehe, sa akin yung big version para puwede kong sakyan. :P Sa iyo yung baby kasi ikaw ang baby ko. ^^
...

TXT para kay sayawhatawgalaw :
Collapse )

hehe proud ok

(no subject)

Nagulat ako kaninang umaga nung ginising ako ni Papa at may hawak siyang napakalaking bouquet. May nagpadala raw... pero hindi naman niya sinabi kung sino. Siyempre isang tao lang ang inisip ko pero hindi naman niya alam yung address dito kaya...

Kinuha ko yung bouquet (maganda naman siya eh) at dinisplay ko rito sa kuwarto.


Si Mama kilig na kilig na 'di ko maintindihan. =_= Tapos malaman-laman ko galing pala sa isa kong kababata rito. @_@ The very same one na sobra kung laitin ako nung mga bata pa kami kasi sungki-sungki ang ngipin ko at gigantic ang corrective eyeglasses ko noon.

Ang lakas pa mag-aya ng date ng hinayupak. =_=

Sorry, I'm taken.

...

So nakauwi na si Prof sa Maynila at nagpapakamongha pa rin ako rito sa Baguio. ANUBAAAAAAAAAAAAAAAA. Papagustokonaumuwipleaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaseeeeeee.

Nakakabadtrip.

Good girl naman ako ah.

AGSAGHAGHGHAGDSGDJGSDGKSGDGSGDSGG. Tapos may movie date pa sa condo ko sina Prof mamaya. Gusto ko umiyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaak. T_T BAKIT AKO DI PUWEDE LUMUWAS!?!?!?!?!

*hikbi*

...
 
Collapse ) 
...

Marami akong iuuwi pagbalik ko sa Maynila... siyempre bukod sa mga pasalubong. ^^ Baka ito na ang simula ng aking maliit na business habang naghihintay akong magkaroon ng trabaho.

Speaking of which, tinawagan na naman ako ni Christian kagabi. Iniimbita uli ako mag-go-see... ibang ahensya naman daw. Sabi ko sige... pagbalik ko ng Maynila pupunta ako. Kaya lang, matanggap na kaya ako this time around?

Hirap kasi ng feeling na ma-reject eh. -_-

...

MGA TEXT DAHIL NAKA-UNLI SI LOVELY. LOL.


TXT para kay pishbolera :

Collapse )

...

TXT para kay no_tenkyu :

Collapse )

...

TXT para kay yourangel_not :

Collapse )

...

TXT para kay sayawhatawgalaw :

Collapse )

emotera

(no subject)

Hindi ko alam kung makatarungan 'tong bisperas ko. Maaga akong gumising para mamalengke at magluto, pero maaga ring umalis si Prof papunta sa kung saan Diyos lang ang may alam. Pagkatapos kong magluto, dumaan si Joseph para kunin yung mga iniluto ko para sa kanila ng family niya at ni Jeje. Tapos umalis din siya agad.

Ngayon kasama ko lang yung mga pagkaing niluto ko at ang gabundok na hugasan sa lababo.

Masyado yatang nasagad ang kaligayahan ko kahapon. Ngayon parang feeling ko mag-isa na naman ako. :(

...

Collapse )
...

Mga regalo para kina: Prof | Kat & Mimi | B | Jopay | Unyok | Joseph

Maligayang Pasko sa lahat! ^^
emotera

(no subject)

Di ba, sabi nila ang kasiyahan may kapalit na kalungkutan?

May kapalit na yung kasiyahan ko.

...

Tumawag si Christian dito kanina, super apologetic siya. Siya na pala nag-follow up nung resulta na go-see ko nung weekend. Tulad ng hinala ko, hindi nga ako ang napili nila.

So yun... back to square one ako. ;_;

Akala ko pa naman magkaka-pera ako bago mag-Pasko para mabawi ko lahat nung mga naipamili ko ng regalo. Oh well. Tipid-tipid muna... mukhang hindi ko na mabibili yung puppy kay Peter. *sigh*

...

Cut na ang telepono sa bahay, siguro mga two weeks pa bago kami uli magkaroon ng bagong landline number. Stay tuned na lang. :P

...

Gusto sana ni Lovely magkaroon ng repackaged version niya... pero naisip niya, ang hirap palang maging good girl.

Sana... sana she'll be good enough.

emotera

Maraming bagay...

1. Tapos na ang go-see ko... sinamahan ako nina Prof at Joseph kahapon. Mabilis lang pala yung mga ganun... mas mahaba pa yung binyahe namin kesa dun sa itinayo ko sa harap ng camera.

Bakit parang feeling ko, di nila ako nagustuhan? ._. May kangitian na kasi yung nagpapa-VTR dun kahapon... mukhang mas type niya yung isang babaeng nauna kesa sa akin. Tsaka... mas mahaba yung VTR niya kesa sa akin... :(

Sana kahit bit part lang... kahit maliit lang talaga na project... tatanggapin ko na. Please naman.

2. Nagtext si ex kahapon na ikinabahala ko. Bakit parang kung nasaan ako, andun din siya?

EX: my bgo knang bf no?
AKO: ano?
EX: bf mo yng ksama mo no?

Ang creepy niya. Gusto ko sanang sabihin, "Eh ano ngayon sa iyo kung may bago akong boyfriend? Anong paki mo?" kaya lang ayoko nang pahabain ang usapan. Di ko na siya sinagot. Binura ko na rin ang number niya sa phone ko. Come to think of it... dapat noon ko pa yun ginawa. Pero... tanga nga ako eh.

Tinext niya pa ako uli nung gabi, pero hindi ko na sinagot at pinatay ko na ang phone ko.

Magbabago na ako ng number. Sabihin ko na lang sa inyo kung ano pag nakakuha na ako ng bagong sim... ayoko nang magambala pa niya.

3. Mabilis. Masyadong mabilis. Alam ko wala namang mali, pero... natatakot ako.

Hindi ko alam kung bakit parang lagi akong nagmamadali... hindi ko alam kung bakit laging ganun ang takbo — mabilis na nakakahilo na hindi ko makontrol.

Natatakot ako kasi... baka matapos rin ito agad. Ayoko. Ayokong matapos 'to.

Kahit ito lang. Bigay niyo na sa akin.


4. Mag-eenroll na ako sa susunod na sem. Nagagalit na si Papa... parang tinatapon ko raw ang buhay ko... di tulad ni Prof na patuloy na nag-aaral at mukhang mauuna pang magtapos kesa sa akin.

Alam ko ako ang ate, at ako dapat ang modelo ng kapatid ko... pero hindi ko talaga kayang gawin ang mga bagay na hindi ko gusto. Pero hindi ko rin naman gustong maging ganito habambuhay. Gusto ko rin namang maging successful na tao. Hindi lang halata nina Mama at Papa kasi... lagi lang akong nandito sa bahay, nagmumukmok, o kaya naglalakwatsa.

Hayaan niyo, Ma, Pa... sandali na lang magiging proud din kayo sa akin.
 

hehe proud ok

(no subject)

Haaaaay. Ang malas ko naman.

Siguro kaya nanghihina rin ako kahapon eh dahil dito. It's that time of the month again. Grhhhhhh. Ang sakit uli tuloy ng katawan ko. Di bale, bukas, wala na 'to.

...

Saan kaya ako magpa-Pasko?

Naalala ko nakapagsabi ako sa kaibigan ko sa Baguio na sa kanila ako magpa-Pasko this year. Mga five months ago pa yun, nung brokenhearted pa ako at desperado makaalis ng Maynila especially on happy occasions. Pero ngayon, hindi ko alam kung tutuloy pa ako. Baka naman ma-dissapoint siya sa akin.

Kaso... gusto ko nang mag-Pasko rito kasi... mukhang... things are getting better naman. Diba, Lovely?

...

Nasaan na ba 'tong si Prof? Nagkaroon lang ng nililigawan 'di na 'ko kinakamusta. ._.

Hoy Quentin Emmanuel, sasama ka ba sa Sabado?

...

Mukhang hindi magbebenta si Jopay ngayong araw na 'to ah. Hmm... ano kayang puwede kong gawin sa mga natitira kong saba? Baka masira, sayang naman. *isip-isip*

hehe proud ok

(no subject)

Mukhang magkakasakit ata ako. =_= Kagabi sinisipon ako, tapos ngayon masakit na lalamunan ko. Naulanan kasi ako kahapon pauwi galing UP eh. Buti na lang malakas ang benta... makakabili ako ng gamot. ^^

Jopay, mukhang absent ako mamaya sa pishbolan. Masama talaga pakiramdam ko eh. Sabihan kita pag okay na ako uli, ha?

...

Nakita ko si ex uli kahapon nung pauwi ako. Kasama niya uli yung GF niya. Wala naman sanang kaso... pero binangga ako nung leche niyang GF at nagkandahulog-hulog yung mga gamit ko. Buti na lang wala nang natirang mga pagkain kundi sigurado sa putikan ang diretso nila.

Ito namang si ex, tumingin lang. Kulang na lang may tumugtog na sad music sa background ko, pang-telenovela na ang beauty ko.

Alam mo ex, buti na lang naghiwalay na tayo. Ngayon alam ko na ang tunay mong ugali...

...

On to happier things...

Magsisimula na akong mag-decorate ng bahay ngayon. ^^ Sana makita ko lahat nung mga dekorasyong tinago ko from last year's Christmas. ^^ Para naman pag-uwi ni Prof sa weekend eh may holiday spirit na itong bahay namin.

Sana lang hindi tumuloy 'tong sakit ko.

...

Namimiss kita, alam mo ba yun?

Malungkot lang... kasi alam kong di mo naman ako nami-miss.
emotera

(no subject)

Ayos na ang computer ko! ^^ Salamat, Prof...

Pero mukhang retirable na talaga siya. Kailangan ko na yata talagang bumili ng bagong computer. :P Sana sa Pasko. Gift ko sa sarili ko. Hehehehe.

...

Bukas na yung pictorial ko. Shet, kinakabahan ako, sana maganda ang kalabasan. ^^

...

Nagkita kami ng ex ko kahapon, kasama yung pangit na girlfriend niya na ipinang-two time niya noon sa akin. Ewan ko, naging drama-dramahan na naman tuloy ako. Ang walangyang yun. Pagkatapos ko siyang mahalin at pagsilbihang parang Hari, lolokohin lang ako.

Hay naku Lovely... ito ang kuwento ng buhay mo.

Buti na lang online ka Unyok. May nakausap ako. Salamat. ^^

...

Hindi ko maintindihan kung bakit ang sakit ng likod ko. Gusto ko tuloy magpamasahe. =_=

Gusto ko rin matulog.

Buhay baboy ko talaga.