prettyprettyhan

♥ Love Guru HOTLINE : Open 24/7 ♥

Para sa inyong mga katanungan, kuwentong pag-ibig, komento at song requests, bukas ang aming hotline, 415-1111. Maaari rin kayong magpadala ng email sa loveguru@abs-cbn.com. Sisikapin ni Love Guru na mai-broadcast ang inyong mga mensahe sa lalong madaling panahon.

[ I-post niyo lang ang inyong mga tanong at concerns para kay Love Guru. Screened ang comments dito. Banggitin kung nais niyong itago kayo sa ibang pangalan upang maitago ang inyong tunay na katauhan. ]

 

bungisngis

Puwede na yata akong mamatay. :P

i. Crazy ang buhay ko ngayon. Monday to Saturday, workshop from morning to late afternoon. Thursdays and Fridays, diretso soundbooth ako for Loveline. I barely have time to rest and meet up with friends, pero nae-enjoy ko naman siya kahit paano. Siyempre choice ko naman 'to... atsaka masaya ring maka-meet ng new people, new friends.

Ay oo nga pala. NA-MEET KO SI SAM MILBY OMG. At siyempre dahil isa't kalahating jologs ako (si Lala isandaang jologs ang katapat non OK?), nagpapicture ako sa kanya! ^^



O Lala, aminin mo... na-hold back ko yung kilig ko sa picture na yan. :P

Sobrang nice at sobrang bango ni Sam, promise. Nakaka-in love siya lalo. HEE~♥

ii. Lala, male-late ako sa isaw party mo bukas ah. Workshops last till afternoon eh. Basta hahabol ako ok? AYLABYU!

Collapse )
sa radio booth

[ ON-AIR 03.05.09 ] Loveline with Love Guru

Magandang magandang gabi po sa inyong lahat mga kapamilya, kabarkada, kapanalig at ka-ibigan! Opo, hindi namamalik-mata ang mga tenga niyo! Hahahaha, puwede ba naman yon!? :P Hindi po kayo nagkakamali, dahil bago na po ang oras ng inyong paboritong programang Loveline!

*show stinger*

For tonight we will be raffling off tickets to the John Lloyd - Sarah movie You Changed My Life, just be the 15th caller at bibigyan namin kayo ng dalawang tickets, sa very special moviehouse diyan sa sosyal na sosyal na Gateway Mall! Oy in fairness di ko pa nata-try manood diyan... balita ko Lazyboy ang mga upuan, winner mga ate't kuya! So anyway... tawag lang para manalo ng tickets to You Changed My Life!

At siyempre open pa rin ang hotline for love consultations, greetings and requests, so TAWAG LANG!

Anyway, let's open the show with a song from Sugarfree... uy favorite ko 'to! This is Burnout, at kayo po'y nakikinig pa rin sa 101.9 For Life!~







Ayan mga kaibigan, isa na namang gabi ng Loveline ang lumipas... ang bilis talaga ng oras, ano? Maraming salamat sa lahat ng tumawag sa atin ngayong gabi, at sa lahat ng mga nag-request ng mga awitin. AT! Siyempre congratulations sa nanalo ng tickets kanina... enjoy the movie!

Isasara natin ang programang ito with a song from Colbie Caillat, ito po ang Realize... at kayo po'y nakikinig pa rin sa 101.9 FOR LIFE! Ito po si DJ Toni, now signing off!




Tonight's Callers
Tong: Line 1
sa radio booth

[ ON-AIR 02.26.09 ] Loveline with Love Guru

MAGANDANG MAGANDANG GABI sa inyong lahat, mga kapamilya, kabarkada, kapanalig at ka-ibigan! Heto na naman po ang inyong favorite love advice program sa balat ng radyo, ang Loveline with Love Guru~

*show stinger*

Our hotline is open to all callers na gustong sumangguni sa akin, ang inyong nag-iisang Love Guru... at bukas rin po ang call and text lines for your requests, greetings at iba pa. For tonight, let's open the show with a song from SpongeCola... this is Gemini, at kayo po'y nakikinig pa rin sa WRR 101.9 for life!



TAWAG LANG!~ :)



Maraming salamat sa lahat ng mga tagapakinig natin ngayong gabi, isa na namang edisyon ng Loveline ang nakalipas! Sa susunod na linggo, may ia-anunsyo po kami sa inyo tungkol sa ating programa na sana'y masuportahan niyo. Magkakaroon tayo ng isang bagong segment at abangan niyo ang mga detalyeng sasabihin ko... next Thursday na yan!

Anyway, magandang umaga na sa inyong lahat, ako pa rin po ang inyong Love Guru, DJ Toni, iiwanan kayo ng isang awitin mula kay Ate Colbie Caillat. This is Realize, at kayo'y naka-tune in sa WRR 101.9 FOR LIFE!!!





Tonight's Callers:
Green Cross: Line 1 | Matador: Line 2
sa radio booth

[ ON-AIR 02.19.09 ] Loveline with Love Guru

Magandang magandang magandang maganda po ako ngayong gabi mga kapamilya, kabarkada, kapanalig at ka-ibigan! Hahaha! Joke lang po mga tagapakinig... magandang gabi sa inyong lahat! Kamusta naman ang inyong mga puso, tumitibok pa ba, maligaya ba, o malungkot at nangangailangan ng tulong?

Huwag kayong mag-alala, because DJ Love Guru is here to help! Itawag niyo lamang po sa aming hotline ang inyong mga hinaing, song requests, pabati at iba pa!

To start the show, here's a song from Chris Brown — With You. Kayo po'y nakikinig sa Loveline with Love Guru, sa WRR 101.9 for life! Tawag lang mga kaibigan!





Muli na naman pong natapos ang ating programa ngayong gabi... maraming salamat sa lahat ng mga tumawag, nagrequest at bumati sa atin ngayong gabi.

Iiwan ko kayong lahat with a song from Pinoy Dream Academy Season 1 Grand Star Dreamer Yeng Constantino, and 1st-Runner Up JR Siaboc. Dahil naniniwala ako na every love story is a miracle taking place... here's Himala... kayo po'y nakikinig pa rin sa WRR 101.9, and this is your DJ Love Guru saying I'll see you again tonight, byebye!



Tonight's Callers:
Ngipin: Line 1 | Lady Pechay: Line 2
sa radio booth

[ ON-AIR 02.05.09 ] Loveline with Love Guru

Magandang magandang magandang gabi sa inyong lahat mga kapamilya, kabarkada, kapanalig at ka-ibigan! Ito pa rin po ang inyong DJ Love Guru na maghahatid sa inyo ng magagandang tugtugin ngayong gabi, gayundin ang mga love advice para sa inyo diyang mga sawi sa pag-ibig o nangangailangan ng tulong sa inyong mga love life.

*show stinger*

Ilang araw na lang, Valentine's Day na! Nakuuuuuuu~ sigurado akong marami sa inyo diyan ang naghahanda nang gumastos! Hahaha! Hinay-hinay lang mga kaibigan, ano? Alam naman nating lahat na may krisis ang ating ekonomiya and all that chenez, kaya't siguro kahit kiss at hug lang eh puwede na sa ating mga iniirog hindi ba?

Simulan natin ang ating programa ngayon gabi... let's go old school with VST and Company — Ipagpatawad mo. Kayo'y nakikinig pa rin sa inyong paboritong radio station, alalalalaaaaaaaaam mo na yaaaaan! WRR 101.9 for life!



Bukas po ang ating hotline para sa inyong mga tawag! Hihintayin ko kayo! :D



Natapos na naman po ang ating programa ngayong gabi... maraming salamat sa mga tumawag at nagrequest ng mga awitin. :D Iiwan ko kayo ngayon with a song from Jason Mraz and Colbie Caillat — Lucky.

Kayo po'y nakikinig pa rin sa WRR 101.9 For Life at ito ang inyong nag-iisang Love Guru! Magandang umaga sa inyong lahat! :D



Tonight's Callers
Abusado: Line 1 | Dilim: Line 2
ice cream!

[ ON-AIR 01.22.09 ] Loveline with Love Guru

Magandang gabi mga kapamilya, kabarkada at ka-ibigan, ito pa rin po ang inyong very pretty DJ Love Guru na handang makinig sa inyong mga kuwento ngayong gabi! :D Umiinit na naman ang panahon at uso ang mga sakit, kung kaya't lagi po tayong mag-iingat ano ho? Siyempre mahirap ang magkasakit ngayon lalo na't pati buhay ay mahirap rin! Naku namannamannamannaman!

Alright, kayo po'y nakikinig pa rin sa Loveline with Love Guru...

*show stinger*

Let's start the program with a song from American Idol Season 7's David Archuleta... naku maraming nakaka-relate sa kantang ito ngayon, may mga alam ako. Hahaha. Here's A Little Too Not Over You. Kayo po'y nakikinig sa WRR 101.9 For Life! :D



Tawag lang mga kaibigan! Bukas ang aming hotline! :D



Oras na naman mga kaibigan upang magpaalam... salamat sa lahat ng mga nakinig sa ating programa ngayong gabi! :D Iiwan ko kayong lahat with this song from Mareng Rihanna... o dev, kumare ko rin siya! Hahaha! This is Rihanna's Take A Bow.

Kayo po'y nakikinig pa rin sa WRR 101.9 For Life at ito ang inyong nag-iisang DJ Love Guru saying goodnight and sweet dreams everyone!



Tonight's Caller:
Tisay: Line 1