Nakasama natin ang mga nangungunang business leader sa 2026 Philippines Business Mission ng US-ASEAN Business Council.
Marami tayong napag-usapan, kabilang na kung paano pa mapalalakas ang pagtutulungan ng Pilipinas at US sa investments, technology, at trade.
Layunin nating gawing madali ang pagnenegosyo sa bansa, at masiguradong may balik ito sa mga Pilipino — puhunan, trabaho, at pag-angat ng ating ekonomiya.