Montana

estado sa US

Ang Montana ( /mɒnˈtænə/) ay isang estado sa rehiyong Bundok ng Kanluraning Estados Unidos. Nasa hangganan ito ng Idaho sa kanluran, Hilagang Dakota at Timog Dakota sa silangan, Wyoming sa timog, at mga lalawigan ng Canada na Alberta, Columbiang Britaniko, at Saskatchewan sa hilaga. Ito ang ikaapat na pinakamalaking estado ayon sa laki, ang ikawalong pinakamaliit na populasyon na estado, at ang ikatlong pinamaliit ang densidad ng populasyon na estado. Kabisera nito ang Helena, habang ang Billings ang pinakamataong lungsod. Naglalaman ang kanlurang kalahati ng estado ng maraming bulubundukin, habang ang silangang kalahati ay nakikilala sa kanlurang lupain na may madamong kapatagan at matabang lupa, na may maliliit na bulubundukin na matatagpuan sa buong estado.

Montana
Watawat ng Montana
Watawat
Eskudo de armas ng Montana
Eskudo de armas
Palayaw: 
Big Sky Country, Treasure State
Bansag: 
Oro y plata
Awit: Montana
Map
Mga koordinado: 47°N 110°W / 47°N 110°W / 47; -110
Bansa Estados Unidos ng Amerika
LokasyonEstados Unidos ng Amerika
Itinatag8 Nobyembre 1889
Ipinangalan kay (sa)bundok
KabiseraHelena
Bahagi
Talaan
  • Beaverhead County, Big Horn County, Blaine County, Broadwater County, Carbon County, Carter County, Cascade County, Chouteau County, Custer County, Daniels County, Dawson County, Deer Lodge County, Fallon County, Fergus County, Flathead County, Gallatin County, Garfield County, Glacier County, Golden Valley County, Granite County, Hill County, Jefferson County, Judith Basin County, Lake County, Lewis and Clark County, Liberty County, Lincoln County, McCone County, Madison County, Meagher County, Mineral County, Missoula County, Musselshell County, Park County, Petroleum County, Phillips County, Pondera County, Powder River County, Powell County, Prairie County, Ravalli County, Richland County, Roosevelt County, Rosebud County, Sanders County, Sheridan County, Silver Bow County, Stillwater County, Sweet Grass County, Teton County, Toole County, Treasure County, Valley County, Wheatland County, Wibaux County, Yellowstone County
Pamahalaan
  KonsehoMontana Legislature
  Governor of MontanaGreg Gianforte
Lawak
  Kabuuan381,154 km2 (147,164 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Abril 2020, Senso)
  Kabuuan1,084,225
  Kapal2.8/km2 (7.4/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC−07:00, America/Denver
Kodigo ng ISO 3166US-MT
WikaIngles
Websaythttps://www.mt.gov/

Walang tatag na palayaw ang Montana subalit may ilang hindi tatag na pangalan, pinakakilala ang "Big Sky Country" (Malaking Lupang Langit), "The Treasure State" (Ang Estadong Kayamanan), "Land of the Shining Mountains" (Lupain ng Nagniningning na Bundok), at "The Last Best Place" (Ang Huling Pinakamainam na Lugar).[1] Pangunahing agrikultura ang ekonomiya ng Montana, kabilang ang pagrarantso, at pagsasaka ng angkak. Kabilang sa ibang mahalagang mapagkukunang yamang ekonomiko ang langis, gas, uling, pagmiminina at troso. Mahalaga din sa ekonomiya ng estado ang mga sektor ng pangangalaga ng kalusugan, paglilingkod, at pamahalaan. Turismo ang pinakamabilis na lumagong sektor ng Montana, na may 12.6 milyong turista (ayon noong 2019) ang dumalaw sa estado bawat taon.[2]

Kasaysayan ng kataga

baguhin

Nagmula ang pangalang Montana mula salitang Kastila na montaña, na nagmula naman sa salitang Latin na montanea, na nangangahulugang "bundok" o mas malawak bilang "lupaing mabundok".[3][4] Montaña del Norte ('Hilagang Bundok') ang binagay ng pangalan ng mga naunang manggagalugad na Kastila sa buong rehiyong mabundok ng kanluran.[4] Naidagdag ang pangalang Montana noong 1863 sa isang panukalang batas ng Komite ng mga Teritoryo ng Kamara ng Estados Unidos (na si James Ashley ng Ohio ang tagapangulo) para sa nasasakupan na magiging Teritoryong Idaho.[5]

Napalitan ang pangalan ng mga kinatawan na sina Henry Wilson (Massachusetts) at Benjamin F. Harding (Oregon), na naghabla na "walang kahulugan" ang Montana.[5] Nang inihain ni Ashley ang isang panukalang batas upang itatag ang pansamantalang pamahalaan noong 1864 para sa isang bagong nasasakupan na iuukit mula sa Idaho, pinili niya muli ang Teritoryong Montana.[6] Sa pagkakataong ito, tinutulan ang pangalan ni kinatawan Samuel Cox na taga-Ohio din.[6] Nagreklamo si Cox na ang pangalan ay isang maling tawag dahil hindi naman mabundok ang karamihan ng nasasakupan, at inisip na mas angkop ang pangalang Katutubong Amerikano sa halip na Kastila.[6] May ibang pangalan, tulad ng Shoshone, ang minungkahi, subalit nagpasya ang Komite ng mga Teritoryo na mayroon silang diskresyon sa pagpili ng pangalan, kaya, pinagtibay ang tunay na pangalang Montana.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Robbins, J. 2008.
  2. "UM Travel Institute: 2020 Tests Montana Tourism". University of Montana (sa wikang Ingles). Agosto 18, 2020. Nakuha noong Oktubre 25, 2022.
  3. Montana Historical Society (1910). Contributions to the Historical Society of Montana. Rocky Mountain Publishing Company. p. 47.
  4. 1 2 Malone, Roeder & Lang 1991, pp. 95–96.
  5. 1 2 Sanders 1910, pp. 15–60.
  6. 1 2 3 4 Library of Congress 1864.