inom

CELEBRATE GOOD TIMES, COME ON!

CHAMPION
UUWI NA AKO SA MARTES.
MAGPAPAINOM AKO SA SUSUNOD NA SABADO.
IMBITADO LAHAT. KAHIT MGA F.C. IMBITADO.
OH, YEAH.


AT ABA MAKAKAHABOL PA AKO SA SEM NA 'TO YAY 'DI NA AKO MADE-DELAY FURTHER.

AT SIGE NA NGA, MAGTETEXT AKO KAHIT MAHAL.

----

text para kay karatistagirl
NANALO AKO DITO! kita tayo pagbalik ko a~ uwi na ako sa martes. kahit wag ka na muna mag-reply. mahal kasi. ^^;
text text

group text

para kay sayawmashin (with isangmekanika), boses_bopek, ginbulag, shutterfish
hoy mga panget, punta na akong korea next week. paramdam naman kayo. inuman sa condo nina buknoy sa sabado ng gabi. oo, buknoy sa condo mo, sa ayaw at gusto mo. labyu, gago.


-------------

text para kay karatistako
'uy, alis na ako papuntang korea next week. musta na? mag-iinuman kami nina buknoy sa sabado. sama ka?


-------------

WAAH MALAPIT NA TOURNAMENT KINAKABAHAN NA AKO ONLY. pero malilibre ako nang sandali, kasi pahinga daw bago lumipad. BUTI NAMAN. mukha na akong kicking pad puta. huhuhu, ang cute kong mukha huhuhu.
salamin

wew.

BUHAY PA AKO. WALA LANG.

nagka-break ako sa training nu'ng holy week. wow, sarap ng buhay. pahiga-higa lang, pa-chermie-chermie. well, syempre may mga exercise pa rin para lang di ma-out of shape pero isa hanggang dalawang oras lang 'yon. walang binatbat sa regular training hehe. pero 'eto balik sa training, ang hirap-hirap ang init-init pa.

pero wew, malapit na palang mag-june so malapit na rin 'yung tournament sa korea. haha, akalain mo 'yon, ang bilis ng panon. :D

SANA UMULAN. ANG INIT KALBFKFALJKFFLSAS

dapat talaga matulog na ako pero ini-insomnia ata ako. maaga pa training bukas. PERO 'DI TALAGA AKO DAPAT MAG-REKLAMO! SEAGAMES ONLYYYYYY!!
matakot ka

ngyeh

pssshh, training camp daw nang limang araw sa bundok sabi ni coach, simula sabado hanggang sa darating na miyerkules. bwiset! pa'no ba 'yan, 'di ako makakasama sa painom ni buknoy. iinom niyo na lang ako a?

text para kay karatistagirl
Collapse )
ali!

haha, ang saya!

YOU'RE ON MY FRIENDS LIST, I WANNA KNOW YOU...
I want to know 34 things about you. I don't care if we never talk, never liked each other, or if we already know everything about each other.


Collapse )
inom

berks reunion!

nagpunta kami condo ni [donghae] kagabi nina eddie at unyok. grabe, long time no see na 'tong si [donghae] e. palibhasa nauna grumadweyt kaya naglaho bigla. joke lang, hahaha. mas type pa rin ako ni ma'am miranda kahit nauna kang grumadweyt. :p

grabe, big-time na tong si [donghae]. ganda ng condo at ayus ang mga gamit. asenso na. kakainggit nga eh, parang gusto ko na ring grumadwyet HAHAHAAHAH. ang gaganda rin ng mga damit niya! si eddie nga trip na trip 'yung bulaklakin at 'yung may heart HAHAHAHAHAHA.

ang galing na ring gumawa ni [donghae] ng drinks. ang sarap ng mga pinainom niya sa amin. grabe, sobrang enjoy 'yung kagabi. kwentuhan, asaran, inuman, kainan, at naglaro pa kami do'n sa xbox niya. (TINALO KO SI EDDIE SA FIGHT CLUB HEHEHEHEH.) nag-enjoy din si ali makipaglaro kay romeo at vanilla.

sana maulit 'tong ganito ulet. ang saya-saya talaga e. nakakatulong ding makalimot ng heartbreak. dalasan nga nating mag-get-together! para naman we have something to look forward to at the end of every week at 'di naman ako puro training at aral.

medyo nalasing ako kagabi at kaninang umaga na kami nakauwi. ang sakit pa nga ng ulo ko e, pero ok lang, enjoy naman e. sa susunod babawasan ko ang inom ko, though. hehehe.