Huli ka, Izumida!
AHA!
Kaya pala ilang linggo ko na rin hindi maabut-abutan ang magaling kong asawa sa bahay.
Kayaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
Kung hindi pa kami napadpad sa bandang dulong parte ng Global City ni kumareng Mao ay hindi ko pa malalaman na may sake bar na pala ang asawa kong si...
Izumi.
Tsk.
Wala naman akong ipapalag kung gusto niya palang magtayo ng ganitong klaseng business, hindi rin naman ako mangingiilam (pero siyempre kung gusto niya ng tulong, kahit nakaluhod pa walang anu-ano ay gagawin ko) sa mga desisyon niya kasi syempre, dahil wala na rin ang banda, wala na kaming stable na income. Kaya okay nga yung ganito na may back-up plan. Of all people, lagi ko naman siya naiimagine na may ganitong hawak na business dahil nga magaling sya sa leadership, pera, at kusina.
O sige, sake naman ngayon. Keber. Bibili pa ako ng franchise ng Marlboro shop para pakner tayo, ano?
Ang nakakatampo lang, hindi man lang nagsabi sa akin?! Wala man lang ako sa opening day?!
Ilang minutong lakad lang papuntang bahay hindi magawa?! Aba Izumida Shinichiro, umayos ka ha.
Kala ko naman namundok ka dahil kelangan mo ng oras para mapagisip at alam kong nadurog ang puso mo sa demise ng banda, pero andyan ka lang pala sa Global City, ni hindi mag-text?!
Lintek.
Well, sa aking padadalamhati naman ay nadamayan ako ni Isshi, na siyang nagpresentang "kumare" ko ngayon na sadyang ipinagpaliban pa ang paghahakot ng mga pula at dilaw niyang luya mabigyan lang ng linaw ang aming kalagayang mag-asawa.
Ang sabi nga ng kumare kong panginoon ay hayaan ko nalang muna si Izumi dahil kailangan niyang ibangon ang kaniyang sarili na siya lang ang nakakaalam, kahit ako pa ang kabiyak niya.
At nawindang nalang din ako sa mga quote na ginamit ni Isshi na kahit natawa ako ay na-touch na rin:
"Kung nagmahal ka talaga, matuto kang magparaya."
at
"Ika nga ni Richard Marx, 'If he returns in kind, you'll know he's yours', diba?"
May matching haplos pa ng mga kamay sa buhok ko *kinilabutan*.
Ay, ikaw na Isshi. Ikaw na. Pakiramdam ko tuloy nahalukat niya yung mga romance novels kong tigbe-beinte.
Hmmm...
O sige Izumi. Palaguin mo ang business mo nang paguwi ko maliligo nalang ako sa pera, ha?
Maglalasingan rin tayo pag-uwi ko galing Pangasinan, Laguna, Batanggas at Zambales. HAH!
Sake Bar pala ha.
Akin ang pinakamahal na bote. Aangkinin ko na rin ang basement para sa ating reunion kinagabihan.
AYAYAYAY~
Izumi, Pa, mahal ko, pangga, batid ko ang pagyaman mo.
Dahil ang pagyaman mo ay pagyaman ko.
Datapwa't ito ay magiging kaligayahan ko na siya ring dapat ikaligaya mo.
Ale-luya, asawa kong mahal~
XOXO
-Micchie

hopeful