Nag-apply ako para maging barista sa may Starbucks sa Katipunan this summer. Okay na rin, may experience na din naman ako medyo sa food service nung nasa Japan kami nakatira. Sabi ni Abby, hindi daw ba parang malayo ang Katipunan, pero practice commute na rin yun para sa pasukan. Sana matanggap ako, para may pera naman this summer. Tingin ko okay naman yung interview.
After nung interview mag-aarcade dapat kami ni Abby, kaso nauwi na naman kami sa playground
at Abigail Rose ang cute mo mapatid patid sa jumping rope HAHAHAHAHA JOKE LANG. Tapos wala lang. Nakakapagod, kaya kumain kami sa Greenwich pagkatapos at bumili ng regalo para kay Pol at Kulas.
Nung Sabado, yung birthday party nga. Na masaya kahit na medyo magulo.
Ang galing ng damit nung isang babae sobrang nakakasilaw na dilaw parang may reflectors pa hehehe. Tapos kahapon, nagsimba lang kami ni Mama at Patchie, at namili ng onting gamit sa SM Marikina.