Villaurbana
Ang Villaurbana (Biddobrana sa wikang Sardo) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Oristano, Awtonomong Rehiyon ng Cerdeña, Italya, na matatagpuan mga 80 kilometro (50 mi) hilagang-kanluran ng Cagliari at mga 15 kilometro (9 mi) silangan ng Oristano.
Villaurbana Biddobrana | |
|---|---|
| Comune di Villaurbana | |
Ang bahay kung saan ipinanganak si Antioco Zucca | |
| Mga koordinado: 39°53′N 8°47′E / 39.883°N 8.783°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Cerdeña |
| Lalawigan | Oristano (OR) |
| Pamahalaan | |
| • Mayor | Paolo Pireddu |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 58.7 km2 (22.7 milya kuwadrado) |
| Taas | 80 m (260 tal) |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | |
| • Kabuuan | 1,631 |
| • Kapal | 28/km2 (72/milya kuwadrado) |
| Tawag sa tagalugar | Villaurbanesi |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 09080 |
| Kodigo sa pagpihit | 0783 |
| Websayt | Opisyal na website |
Ang Villaurbana ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Allai, Mogorella, Oristano, Palmas Arborea, Ruinas, Siamanna, Usellus, at Villa Verde.
Heograpiyang pisikal
baguhinTeritoryo
baguhinAng Monte Arci ang pangunahing bundok ng bayan na matatagpuan sa silangan ng Oristano na 20 km ang layo.
Pinagmulan ng pangalan
baguhinAng pangalan ng bayan ay nagmula sa Latin na Villa Urbis, na nangangahulugang "villa ng lungsod".
Kasaysayan
baguhinSa ilalim ng mga Aragones, ang bayan ng Villaurbana ay bahagi ng mga piyudo ng pamilya Carroz.
Noong 1720 ay itinalaga ang Cerdeña na may maharlikang titulo sa pamilyang Saboya.
Noong 1767 isinama ni Haring Carlos Manuel III ang Villaurbana sa markesado ng Arçais para kay Flores Nurra, kung kanino ito nanatili hanggang sa pagpawi ng mga piyudo (1839), nang ito ay tinubos nila upang maging isang munisipalidad na pinangangasiwaan ng isang alkalde at isang konseho ng munisipyo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.