Si Venus Ebony Starr Williams (isinilang Hunyo 17, 1980) ay isang Amerikana at dalubhasang manlalaro ng tennis, dating nangunguna sa talaan ng World Tennis Association - may ranggog World No. 1 - at pangkasalukuyang kampeon sa isahan at dalawahan laro ng Wimbledon.

Venus Williams
Venus playing world team tennis, Summer 2007[1]
Bansa Estados Unidos
TirahanPalm Beach Gardens, Florida, USA
Tangkad1.85 m (6 tal 1 in)
Naging propesyonal1994
Mga laroKanang-kamay (dalawang-kamay na backhand)
Papremyong pera$18,556,982
Isahan
Rekord sa karera489-117
Mga titulo36
Pinakamataas na pagraranggoBlg. 1 (Pebrero 25, 2002)
Resulta sa Isahang Grand Slam
Australian OpenF (2003)
French OpenF (2002)
WimbledonW (2000, 2001, 2005, 2007, 2008)
US OpenW (2000, 2001)
Dalawahan
Rekord sa karera95-20
Mga titulo11
Pinakamataas na pagraranggoBlg. 5 (Oktubre 11, 1999)
Resulta sa Dalawahang Grand Slam
Australian OpenW (2001, 2003)
French OpenW (1999)
WimbledonW (2000, 2002, 2008)
US OpenW (1999)
Huling nabago noong: Hulyo 6, 2008.

Nagwagi si Williams ng 16 na mga titulong Grand Slam sa larangan ng tennis - 7 sa isahan,7 sa dalawahang pambabae, at 2 sa magkahalong dalawahan. Nanalo rin siya ng isang gintong medalya sa mga palarong Olimpiko sa mga isahan at dalawahang pambabae. Siya ang mas nakatatandang kapatid na babae ng dating "World No. 1" na manlalarong si Serena Williams. Kinikilala ang Magkapatid na Williams dahil sa kanilang mga ipinakikitang gilas at lakas sa larangan ng palaro ng tennis.

Tinalo ni Venus Williams ang nakababatang kapatid na si Serena sa kampeonato ng tennis na pang-Wimbledon ng 2008.[2]

Sanggunian

baguhin
Tala ng medalyang Olimpiko
Pambabaeng Tenis
Ginto2000 SydneyIsahan
Ginto2000 SydneyDalawahan