Ang isang Reynang Bubuyog o queen bee sa ingles ay karaniwang isang ganap na babae (gyne) na nakipagtalik at mangitlog at naninirahan sa isang kolonya o pugad ng mga pukyutan. Dahil sa ganap nang nabuo ang kanyang mga reproduktibong organo, kadalasan siya ang ina ng karamihan, kung hindi man lahat, ng mga pukyutan sa pugad. Ang mga queen ay nabubuo mula sa mga larba na pinipili ng mga worker bee at espesyal na pinapakain upang maging ganap na handa sa reproduksyon. Karaniwan, iisa lamang ang ganap na nakipagtalik na queen sa isang pugad, at sa ganitong kaso, sinusundan at pinoprotektahan siya ng mga pukyutan nang matindi.[1] [2] [3]

Reyna (may palatandaan) na napapalibutan ng mga Africanized na manggagawa

Ang terminong Reynang bubuyog o "queen bee" ay maaari ring ilapat sa anumang dominanteng babaeng reproduktibo o maykakayahang mangitlog ng mangitlog sa isang kolonya ng eusocial bee species bukod sa mga honey bee. Halimbawa, sa Brazilian stingless bee (Schwarziana quadripunctata), ang isang pugad ay maaaring magkaroon ng maraming reyna o kahit mga maliit na reyna (dwarf queen), na handang pumalit sa dominanteng reyna sakaling bigla itong mamatay [4]

Pagkakakilanlan

baguhin

Mas mahaba ang abdomen (tiyan) ng reynang bubuyog kaysa sa mga manggagawang bubuyog na nakapaligid sa kanya at mas mahaba rin kaysa sa Lambino o lalaking bubuyog

Bagama’t minsan ay basta pinipili lamang ang kulay, ang mga propesyonal na nagpaparami ng reyna ay gumagamit ng kulay na tumutukoy sa taon kung kailan napisa ang reyna. Nakakatulong ito upang malaman kung masyado na bang matanda ang reyna para mapanatiling malakas ang pugad at kung kailangan na siyang palitan. Ang mnemonic na itinuturo upang matulungan ang mga beekeeper na matandaan ang pagkakasunod-sunod ng mga kulay ay Will You Raise Good Bees (white, yellow, red, green, blue).[5][6]

Minsan, maliliit na nakaumbok na disk na may nakasulat na numero (Opalithplättchen) ang ginagamit kapag maraming reyna ang ipinanganak sa parehong taon isang paraan na maaari ring gamitin upang masubaybayan ang maraming bubuyog sa iisang pugad para sa pananaliksik.[7]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Root, A.I.; Root, E.R. (1980). The ABC and Xyz of Bee Culture. Medina, Ohio: A.I. Root. OCLC 6586488.
  2. "About Honey Bees | Types, races, and anatomy of honey bees". About Honey Bees | Types, races, and anatomy of honey bees (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-25.
  3. "ENY-166/IN1102: The Social Organization of Honey Bees". Ask IFAS - Powered by EDIS (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-03-25.
  4. Ribeiro, Márcia De F.; Alves, Denise De A. (2001). "Size Variation in Schwarziana quadripunctata Queens (Hymenoptera, Apidae, Meliponini)" (PDF). Revista de Etologia. 3 (1): 59–65. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-12-08. Nakuha noong 2015-11-05.
  5. Waring, Adrian; Waring, Claire (26 March 2010). Get Started in Beekeeping: A practical, illustrated guide to running hives of all sizes in any location. Hodder & Stoughton. ISBN 9781444129304. Nakuha noong 1 March 2018 sa pamamagitan ni/ng Google Books. {{cite book}}: line feed karakter in |title= at position 4 ()
  6. "International Queen Bee Marking Colors". Piedmont Beekeepers Association (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-06-29. Nakuha noong 2020-06-27. {{cite web}}: line feed karakter in |website= at position 9 ()
  7. Seeley, Thomas D. (2009-06-30). The Wisdom of the Hive: the social physiology of honey bee colonies (sa wikang Ingles). Harvard University Press. ISBN 978-0-674-04340-4. {{cite book}}: line feed karakter in |title= at position 4 ()