Kabite
Nangangailangan ang artikulong ito ng karagdagang mga pagsipi o sanggunian para sa pagpapatunay. (January 2016) |
Ang Kabite o Cavite (Kastila at Ingles: Cavite) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa katimugang baybayin ng Look ng Maynila sa rehiyon ng CALABARZON ng Luzon, 30 kilometro sa timog ng Maynila. Imus at Trece Martires ang kabisera nito at ang nanatiling sentro ng pamahalaang panlalawigan kung saan matatagpuan ang kapitolyo. Pinalilubutan ang Kabite ng mga lalawigan ng Laguna sa silangan at Batangas sa timog. Sa kanluran matatagpuan ang Dagat Timog Tsina.
Cavite Kabite | |||
|---|---|---|---|
Clockwise (from the top): Aguinaldo Shrine, Emilio Aguinaldo Monument, monolith of Mount Pico de Loro, Pacific War Memorial in Corregidor, Tagaytay Highlands, Imus Cathedral | |||
| |||
| Palayaw: Historical Capital of the Philippines[1] | |||
| Bansag: Dangal at Pag-ibig sa Bayan (Honor and Love for Country) | |||
| Awit: Himno ng Kabite (Hymn of Cavite) | |||
Location in the Philippines | |||
| Mga koordinado: 14°16′N 120°52′E / 14.27°N 120.87°E | |||
| Country | Pilipinas | ||
| Region | Calabarzon (Rehiyong IV-A) | ||
| Established | 1614[2][3] | ||
| Capital | Imus | ||
| Sentro ng Administrasyon | Trece Martires | ||
| Pinakamalaking lungsod | Dasmariñas | ||
| Pamahalaan | |||
| • Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
| • Gobernador | Athena Bryana Tolentino (NUP) | ||
| • Bise Gobernador | Shernan Jaro (NUP) | ||
| • Legislature | Cavite Provincial Board | ||
| Lawak | |||
| • Kabuuan | 1,574.17 km2 (607.79 milya kuwadrado) | ||
| • Lupa | 1,426.06 km2 (550.60 milya kuwadrado) | ||
| Ranggo sa lawak | 67th out of 81 | ||
| Pinakamataas na pook | 709 m (2,326 tal) | ||
| Populasyon (senso ng 2024) | |||
| • Kabuuan | 4,573,884 | ||
| • Ranggo | 1st out of 81 | ||
| • Kapal | 2,900/km2 (7,500/milya kuwadrado) | ||
| • Ranggo sa densidad | 2nd out of 81 | ||
| Tawag sa tagalugar | Caviteño (masculine or neutral) Caviteña (feminine) | ||
| Divisions | |||
| • Independent cities | 0 | ||
| • Component cities | |||
| • Municipalities | |||
| • Barangays | Padron:PH barangay count | ||
| • Districts | Legislative districts of Cavite | ||
| Demographics | |||
| • Ethnic groups | |||
| • Native languages | Tagalog Chavacano | ||
| • Languages | (Major language) Filipino English (Minor language) Bicolano Cebuano Ilocano Hiligaynon Waray | ||
| • Major religions | |||
| • Feast date | 2nd and 3rd Sunday of November | ||
| • Ecclesiastical dioceses |
| ||
| • Patron saint | |||
| Sona ng oras | UTC+8 (PHT) | ||
| IDD : area code | +63 (0)46 +63 (0)2 (Bacoor) | ||
| Kodigo ng ISO 3166 | PH-CAV | ||
| Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | ||
| Websayt | cavite.gov.ph | ||
- Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Cavite.
Etimolohiya
baguhinNagmula ang pangalang "Cavite" sa kinastilang salitang tagalog na kawit na pinaikling kalawit, bilang pantukoy sa kalupaan sa tangway ng Kabite na nakausli sa pook ng Maynila.[9] Orihinal na ginamit lang ito sa tangway (Cavite La Punta, ngayon ay Lungsod ng Cavite) at sa mga kalapit na pook (Cavite Viejo, ngayon ay Kawit). Dating kabisera ng lalawigan ang Lungsod ng Cavite hanggang 1954, at gaya ng iba pang mga lalawigan sa Pilipinas na binuo noong panahon ng mga Kastila, ang pangalan ng kabisera ay pangalan na rin ng buong lalawigan.
Demograpiya
baguhinPopulasyon. Ang lalawigan ng Kabite ay may kabuuang populasyon na 3,090,691 base sa 2010 senso.
Wika. Ang mga pangunahing lenguaheng sinasalita ay ang Tagalog, Chabacano at Ingles
Ekonomiya
baguhinAng Kabite ay isa sa mga lalawigan mabilis ang pag-angat ng ekonomiya sa Pilipinas dahil sa kalapitan nito sa Metro Manila. Maraming kompanya katulad ng Intel, ay nagtaguyod ng planta sa mga maraming industrial parks.
Anim na SM Malls at apat na Robinsons malls ang matatagpuan sa lalawigan ng Kabite. Ito ay ang SM City Dasmarinas, SM City Bacoor, SM City Molino (matatagpuan din sa Bacoor), SM City Rosario, SM City Trece Martires, SM Center Imus, Robinsons Place Imus, Robinsons Place Dasmariñas, Robinsons Place Tagaytay at Robinson's Place General Trias.
Ang dating pagsasaka ay nalahukan na ng mga industriya at mga kompanya na gumagawa ng ibat ibang produkto na gamit di lang sa bansa kundi para pangangailangan ng teknolohiya sa ibang panig ng daigdig. Ang CEPZA (Cavite Export Processing Zone) ay isa na dito. Gayon pa man, ang kaitaasang bahagi ng Kabite o upland towns ay nanatiling may taniman ng mga kape, paminta at iba ibang bungang kahoy na nakararating sa pamilihan sa kalakhang Maynila at karatig lalawigan, kaya naman patuloy na magiging kasiyahan ng mga dumadaang mga lokal at dayuhang mga turista ang mga prutas tulad ng pinya, papaya, guyabano, niyog at iba pa sa tuwing sila ay napapagawi sa masaganang lalawigang ito habang dumadaan sa Lungsod ng Tagaytay at patungo sa mga baybay dagat ng karatig lalawigan ng Batangas.
Tradisyon, Paniniwala at Debosyon
baguhinAng lalawigan ng Cavite ay isa sa may pinaka mayaman na tradisyon sa ating bansa. Maraming kapistahan ang ipinagdiriwang sa bawAt lalawigan ng Cavite ang isat barrio at bayan nito. Ilan din dito ay ang kapistahan ni San Agustin sa Tanza, Sto Nino sa Ternate, Sta Maria Magdalena ng Kawit, Sto Rosario de Caracol ng Salinas, Birhen ng Candelaria sa Silang at ang Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga na tinatawag din na Reina de Cavite at "La Excelsa y La Celestial Guardiana y Protectora dela Provincia de Cavite".Pinaniniwalaan na ang imaheng ito ay mapaghimala kung kaya't tinawag itong " Birheng may libong Milagro". And debosyon sa Virgen ng Soledad ang pinakamalaking ambag ng mga Kabitenyo sa kasaysayan ng debosyon kay Maria at sa Simbahang Katolika sa Pilipinas. Ayon kay Propesor Genoveva Edroza, ang kapistahan ng San Diego sa Noli Me Tangere ay ibinase sa kapistahan ng Virgen ng Soledad ng Porta Vaga.Noong 17 Nobyembre 1978 iginawad ng Roma ang Koronasyong Kanonikal sa imahen. Ang kanyang kapistahan ay ipinagdididwang tuwing ikalawa at ikatlong linggo ng Nobyembre. Ang imahen ay matatagpuan sa Parokya ng San Roque, Lungsod ng Cavite.
Heograpiya
baguhinNahahati ang lalawigan ng Kabite sa 16 mga bayan at 7 lungsod:
| Lungsod | Uri | Distrito | Bilang ng Barangay |
Populasyon (2010) |
Sukat (km²) |
Densidad (bawat km²) |
Alkalde |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Bacoor | Nakapaloob na Lungsod | ||||||
| Lungsod ng Cavite | Nakapaloob na Lungsod | ||||||
| Dasmariñas | Nakapaloob na Lungsod | ||||||
| General Trias | Nakapaloob na Lungsod | ||||||
| Imus | Nakapaloob na Lungsod | ||||||
| Tagaytay | Nakapaloob na Lungsod | ||||||
| Trece Martires | Nakapaloob na Lungsod |
| Bayan | Distrito | Bilang ng Barangay |
Populasyon (2010) |
Sukat (km²) |
Densidad (bawat km²) |
Alkalde |
|---|---|---|---|---|---|---|
| Alfonso | ||||||
| Amadeo | ||||||
| Carmona | ||||||
| General Emilio Aguinaldo | ||||||
| General Mariano Alvarez | ||||||
| Indang | ||||||
| Kawit | ||||||
| Magallanes | ||||||
| Maragondon | ||||||
| Mendez | ||||||
| Naic | ||||||
| Noveleta | ||||||
| Rosario | ||||||
| Silang | ||||||
| Tanza | ||||||
| Ternate |

Pisikal
baguhinLupa. Ang Kabite ang pinakamaliit na lalawigan sa rehiyon ng CALABARZON, na may sukat na 1,297.6 km². Ito ay nasa katimugang bahagi ng Look ng Maynila, at kabilang din dito ang iba pang isla tulad ng Corregidor. Ang ibang isla na kabilang sa lalawigan ay ang Isla ng Caballo, Isla ng Carabao, at ang Isla ng El Praile.
Ang kalakhan ng lalawigan ay patag at tumataas lamang patunong katimugan patunong Tagaytay, kung saan ay matatanaw ang Lawa ng Taal sa Batangas. Sa Lungsod ng Tagaytay makikita ang pinakamagandang tanaw ng Bulkan Taal. Ang Lungsod ng Tagaytay ay ang pinakamataas na bahagi ng lalawigan.
Nahahati ang lalawigan ng limang pangunahing ilog: Ang Maragondon, Labac, Cañas, Ilang-Ilang at ang ilog ng Imus, lahat ay patungo sa Lawa ng Bay.
Klima. Ang Kabite ay may dalawang uri ng Klima, ang panahon ng Tag-tuyot, na nagsisimula sa Nobyembre at natatapos sa Abril, at ang panahon ng Tag-ulan, na nagsisimula sa Mayo at natatapos ng Oktubre. Ang pinakamalamig na buwan ay sa pagitan ng Enero at Pebrero at pinakamainit naman sa buwan ng Abril at Mayo.

Pamahalaan
baguhinMga Gobernador ng Kabite
baguhin- Mariano Trias simula noong 15 Hulyo 1898
- Emilio Riego De Dios simula noong 10 Agosto 1898
- Ladislao Diwa simula noong 7 Oktubre 1898
- Mariano Trias 1901 - 1905
- Louis J. Van Schaick 1905 - 1907
- Leonardo R. Osorio 1908 - 1909
- Tomas Domingo 1910 - 1912
- Antero S. Soriano 1912 - 1919
- Luis O. Ferrer Sr. 1919 - 1921
- Raymundo C. Jeciel 1922 - 1925
- Fabian Pugeda 1925 - 1931
- Pedro F. Espiritu 1931 - 1934
- Ramon Samonte 1935 - 1940
- Emilio F. Virata Humaliling Gubernador
- Luis Y. Ferrer Jr. 1940 - 1944
- Mariano N. Castañeda 1944
- Dominador M. Camerino 1944 - 1945
- Mariano N. Castañeda Humaliling Gubernador
- Rafael F. Trias 1945
- Francisco T. Arca 1945
- Dominador M. Camerino 1946 - 1954
- Mariano B. Villanueva Humaliling Gubernador
- Horacio Rodriguez Humaliling Gubernador
- Dominador Mangubat Humaliling Gubernador
- Delfin N. Montano 1956 - 1971
- Lino D. Bocalan 1972
- Dominador M. Camerino Humaliling Gubernador
- Juanito R. Remulla Itinalaga Set. 24, 1979
- Juanito R. Remulla 01-30-1980 hanggang 02-19-1986
- Fernando C. Campos 1986 - 1987
- Juanito R. Remulla 1987 - 1992
- Juanito R. Remulla 1992 - 1995
- Epimaco A. Velasco 1995 hanggang 01-1998
- Ramon "Bong" Revilla Jr. Itinalaga 02-1998 hanggang 06-30-1998
- Ramon "Bong" Revilla Jr. 1998-2001
- Erineo S. Maliksi 2001-2010
- Juanito Victor C. Remulla, Jr. 2010 - 2016
- Jesus Crispin C. Remulla - 2016 - 2019
- Juanito Victor C. Remulla Jr. - 2019 - 2024
- Athena Bryana D. Tolentino - 2024 - kasalukuyan
Mga Pamantasan at Dalubhasaan
baguhin- Adventist International Institute of Advanced Studies - Silang, Cavite
- Adventist University of the Philippines - Silang, Cavite
- Polytechnic University of the Philippines -Maragondon, Cavite
- Cavite State University - ang kanyang punong campus ay nasa Indang at may mga iba pang campus sa Rosario, Imus, Carmona, Naic, Bacoor, Tanza, Lungsod ng Trece Martires, Silang at Lungsod ng Cavite.
- De La Salle University Dasmariñas - Dasmariñas, Cavite
- Imus Computer College (ICC) - ang kanyang punong campus ay nasa Imus at may mga iba pang campus sa Rosario, Gen. Mariano Alvarez, Cavite, Dasmariñas, Cavite, Bacoor, Carmona, at Silang.
- University of Perpetual Help - Dalta System - Bacoor, Gen. Mariano Alvarez, Cavite
- Philippine Christian University - Dasmariñas, Cavite
- EARIST Cavite Campus - Gen. Mariano Alvarez, Cavite
- Emilio Aguinaldo College - Dasmariñas, Cavite
- Technological University of the Philippines - Dasmariñas, Cavite
- Olivares College - Lungsod ng Tagaytay
- San Sebastian College - Recoletos de Cavite - Lungsod ng Cavite
- Saint Dominic College of Arts and Sciences - Bacoor, Cavite
- Saint Francis of Assisi College - Bacoor, Cavite
- Saint Joseph College - Lungsod ng Cavite
- Saint Joseph College - Amaya, Tanza, Cavite
- Imus Institute - Imus, Cavite
- Philippine Cambridge School - Dasmariñas, Cavite
- Far Eastern University - Silang, Cavite
- Woodridge College - Bacoor, Cavite
- Lyceum of the Philippines University-Cavite - General Trias, Cavite
- National College of Science and Technology - Dasmariñas, Cavite
Mga kilalang tao
baguhinMga pambansang bayani at makabayan
baguhin- Emilio Aguinaldo, Unang Pangulo ng Pilipinas
- Mariano Álvarez, Rebolusyonaryong Heneral ng Pilipinas
- Mariano Trias, Philippine Revolutionary General
- Pascual Álvarez, Rebolusyonaryong Heneral ng Pilipinas
- Santiago Álvarez, Philippine Revolutionary General
- Baldomero Aguinaldo, Philippine Revolutionary General
- Crispulo Aguinaldo, Philippine Revolutionary General
- Licerio Topacio, Rebolusyonaryong Heneral ng Pilipinas
- Tomás Mascardo, Rebolusyonaryong Heneral ng Pilipinas
- Mariano Noriel, nagsilbi bilang heneral sa ilalim ng rebolusyonaryong hukbo ni Emilio Aguinaldo noong 1896 Philippine Rebolusyon
- José Tagle, Pilipinong opisyal ng militar na lumahok sa Labanan ng Imus noong Philippine Revolution.
- Julián Felipe, kompositor ng Philippine National Anthem at Reina de Cavite
- Román Basa, Pangalawang pangulo ng Katipunan
- Ladislao Diwa, isa sa mga nagtatag ng Katipunan
- Thirteen Martyrs of Cavite, mga makabayang Pilipino
- Felipe Calderón y Roca, abogado, itinuring na Ama ng Konstitusyon ng Malolos
- Mariano Castañeda, Cavite Governor 1944, General of the Filipino-American Cavite Guerilla Forces FACGF the liberators of Cavite during the Japanese Occupation and Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines noong 1947.
Agham at edukasyon
- Olivia Salamanca, Pilipinong manggagamot na nagsanay sa Estados Unidos sa Woman's Medical College of Pennsylvania sa Philadelphia at siyang pangalawang babaeng manggagamot mula sa Pilipinas.
- Paulo C. Campos, Pambansang Siyentipiko ng Pilipinas para sa Medisinang Nukleyar
- Hilario Lara, Pambansang Siyentipiko ng Pilipinas para sa Kalusugang Pampubliko [10]
- Jose R. Velasco, Pambansang Siyentipiko ng Pilipinas para sa Pisyolohiya ng Halaman
- Lourdes J. Cruz, Pambansang Siyentipiko ng Pilipinas para sa Biokemistri
- Francisca Tirona, edukador, humanitarian, pinunong sibiko, at administrador, at isa sa mga nagtatag ng Philippine Women's University.[11]
- Nemesio Prudente, edukador, aktibistang pampulitika, at tagapagtanggol ng karapatang pantao iginagalang sa paglilingkod bilang Pangulo ng Polytechnic University of the Philippines.
Panitikan at sining
- Pascual H. Poblete, rebolusyonaryo at manunulat
- Alejandro G. Abadilla, makata, Ama ng Modernong Tulang Pilipino
- Rogelio Ordoñez, maraming parangal na Pilipinong manunulat ng kathang-isip, makata, aktibista, mamamahayag at edukador
- Efren Abueg, nobelista, manunulat ng maikling kwento, manunulat ng sanaysay, manunulat ng kathang-isip
- Fidel Rillo, makata, editor, taga-disenyo ng libro
- Mars Ravelo, nobelistang grapiko
- Eros Atalia, awtor, propesor at mamamahayag
- Wilfredo Alicdan, artista
- George Canseco, kompositor, manunulat ng kanta
- Josefino Cenizal, kompositor
- Yasmin Sison-Ching, artista
Relihiyon
- Kardinal Luis Antonio Tagle, Arsobispo ng Maynila (Disyembre 12, 2011–Pebrero 9, 2020), Obispo ng Imus (Disyembre 12, 2001–Disyembre 112, 2000) para sa Seksyon ng Unang Ebanghelisasyon ng Dicastery para sa Ebanghelisasyon]] (Pebrero 9, 2020–kasalukuyan)[12]
- Arsobispo Rolando Joven Tria Tirona, Arsobispo Emeritus ng Caceres at Bishop Emeritus ng Prelature of Infanta at Diocese of Malolos
- Obispo Cirilo Almario, Pangalawang obispo ng Roman Catholic Diocese of Malolos
- Obispo Rufino Sescon, ikalimang Obispo ng Balanga (Marso 1, 2025–kasalukuyan)
Pulitika at pamahalaan
- Cesar Virata, dating punong ministro ng Pilipinas
- Serafin R. Cuevas, ika-106 Katuwang Mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas at ika-50 Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan
- Jose Portugal Perez, ika-167 Katuwang Mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas
- Jose C. Mendoza, ika-168 Katuwang Mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas
- Antero Soriano, dating senador at dating gobernador ng Cavite
- Justiniano S. Montano, dating senador at kinatawan ng ika-6 na Distrito ng Cavite
- Pablo Gomez Sarino, dating at pinakamatagal na naglingkod na alkalde ng munisipyo ng Bacoor, Cavite (1959-1963, 1967-1986)
- Ramon Revilla Sr., aktor at dating Senador
- Panfilo Lacson, senador at ika-7 Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas
- Bong Revilla, aktor, Senador, dating gobernador ng Cavite, at bise gobernador
- Francis Tolentino, Senador, dating chairman at alkalde ng Metropolitan Manila Development Authority ng Tagaytay
- Manuel Earnshaw, dating Resident Commissioner sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos mula sa mga Isla ng Pilipinas
- Leonides Sarao Virata, ika-15 Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya
- Epimaco Velasco, ika-16 Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, dating direktor ng NBI at dating gobernador ng Cavite
- Joseph Emilio Abaya, dating kalihim ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon at dating kinatawan ng Unang Distrito ng Cavite
- Irineo "Ayong" Maliksi, chairman ng PCSO, dating Kinatawan ng Ika-3 Distrito ng Cavite, dating Gobernador ng Cavite at dating Alkalde ng Lungsod ng Imus
- Leon Guinto, dating alkalde ng Lungsod ng Maynila noong panahon ng pananakop ng mga Hapones
- Lani Mercado, aktres, alkalde ng lungsod ng Bacoor at dating kinatawan ng ika-2 distrito ng kongreso ng Cavite
- Gilbert Remulla, host ng TV, news anchor, reporter, dating kinatawan ng unang distrito ng kongreso ng Cavite
- Strike Revilla, Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Cavite, dating konsehal at alkalde ng Bacoor, dating miyembro ng lupon ng Cavite at dating chairman ng PCSO
- Abraham Tolentino, politiko, atleta
- Jesus Crispin Remulla, ika-60 Kalihim ng Katarungan
Pilantropiya
- Efren Peñaflorida, Bayani ng Taon ng CNN para sa 2009.
- Luis Yangco, Pilipino-Tsino negosyante at pilantropo
Libangan
- Leopoldo Salcedo, artista
- Celeste Legaspi, mang-aawit, artista
- Onyok Pineda, child actor
- Bayani Agbayani, komedyante, TV host
- Jasmine Trias, mang-aawit; American Idol 3rd runner up
- Kokoy De Santos, artista, TV host
- Louise delos Reyes, artista
- Bella Santiago, mang-aawit
- Christian Bables, artista
- Kaye Abad, artista
- Nash Aguas, aktor at grand winner ng Star Circle Kid Quest'
- Arra San Agustin, artista
- Christian Bautista, mang-aawit, aktor, at host
- Miguel Tanfelix, artista
- Bugoy Cariño, child actor
- Olivia Cenizal, artista
- Lyca Gairanod, kampeon ng The Voice Kids (Philippines season 1)
- Seth Fedelin, artista
- Roxanne Guinoo, artista at finalist ng Star Circle Teen Quest
- Diether Ocampo, aktor, mang-aawit, at modelo
- Sugar Mercado, aktres, dating miyembro ng SexBomb Girls
- Marcelito Pomoy, mang-aawit, grand winner ng Pilipinas Got Talent
- Marian Rivera, aktres
- Bianca Gonzalez, host ng TV
- Angela Ken, singer-songwriter[13]
Palakasan
- Wesley So, grandmaster ng chess at ika-8 pinakabatang grandmaster ng chess sa kasaysayan
- Joseph Eric Buhain, manlalangoy, chairman ng Games and Amusements Board
- Terrence Romeo, Propesyonal na manlalaro ng basketball sa Philippine Basketball Association (PBA). Kasalukuyang naglalaro para sa GlobalPort Batang Pier at Gilas Pilipinas. Dating manlalaro sa kolehiyo ng FEU Tamaraws
- Ranidel de Ocampo, Propesyonal na manlalaro ng basketball sa Philippine Basketball Association, kasalukuyang naglalaro para sa Talk 'N Text Tropang Texters
- Yancy de Ocampo, atleta
Mga Sanggunian
- ↑ Tejero, Constantino C. (Agosto 16, 2015). "Cavite and what they're selling there". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Marso 18, 2016.
Caviteños take pride in claiming an assortment of titles for their province: Historical Capital of the Philippines, Home of the Brave, Heartland of the Philippine Revolution, Cradle of Noble Heroes.
- ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangbh); $2 - ↑ Census of the Philippine Islands (1920). "Census of the Philippine Islands Vol. I, 1918", pg. 132. Bureau of Printing, Manila.
- ↑ "Official Provincial 2013 Election Results". Intramuros, Manila, Philippines: Commission on Elections (COMELEC). Setyembre 11, 2013. Nakuha noong Oktubre 28, 2013.
- ↑ "List of Provinces". PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 11, 2013. Nakuha noong Oktubre 28, 2013.
- ↑ "Quick Facts" Naka-arkibo July 7, 2012, sa Wayback Machine.. Cavite Official Website. Retrieved on June 30, 2012.
- ↑ History of Cavite: the mother ground of the Philippine Revolution, independence, flag, and national anthem by: Alfredo B Saulo; Esteban A De Ocampo; Cavite Historical Society. p. 22
- ↑ Vignettes of Philippine History by Teodoro Agoncillo p.41 ISBN 978-9718851074
- ↑ "Official Website of the Provincial Government of Cavite - Cavite City". Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 1, 2009. Nakuha noong Hulyo 20, 2012.
- ↑ Angelo, Mikael (Enero 15, 2015). "Dr. Hilario D. G. Lara: Ang Tagapanguna ng Modernong Kalusugang Pampubliko sa Pilipinas". Flipscience.ph. Nakuha noong Enero 15, 2022.
- ↑ "FRANCISCA TIRONA-BENITEZ" (PDF). Pambansang Institutong Pangkasaysayan ng Pilipinas. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Mayo 27, 2014. Nakuha noong Hulyo 19, 2016.
- ↑ (2013-01-31)[https://www.vatican.va/news_services/press/documentazione/documents/cardinali_biografie/cardinali_LE_kim_tagle" Antonio Go. Holy See Press Office.
- ↑ "Inilabas ni Angela Ken ang self-titled debut album". ABS-CBN (sa wikang Ingles). Nobyembre 4, 2022. Nakuha noong Hunyo 5, 2025.
Kawing Panlabas
- Opisyal na Websayt ng Lalawigan ng Cavite Naka-arkibo 2016-11-05 sa Wayback Machine.