Digmaan sa Iran noong 2026
Nagsimula ang digmaan sa Iran noong 2026 noong ika-28 ng Pebrero 2026, nang maglunsad ang Estados Unidos at Israel ng mga sorpresang atake mula sa humpaawid sa maraming lugar at lungsod sa buong Iran, na ikinamatay ng Kataas-taasang Pinuno na si Ali Khamenei at maraming iba pang opisyal ng Iran. Tumugon ang Iran sa pamamagitan ng mga atake ng misil at drone laban sa Israel, mga base ng Estados Unidos, at mga bansang kaalyado ng Estados Unidos sa rehiyon.
Matapos magsimula ang krisis sa Gitnang Silangan noong 2023, nagpalitan ng mga atake ng misil ang Iran at Israel noong 2024, at naglunsad ang Israel at US ng mga atake mula sa himpapawid laban sa Iran sa Digmaan ng Labindalawang Araw noong Hunyo 2025. Noong Enero 2026, pinatay ng mga puwersang panseguridad ng Iran ang libo-libong nagpoprotesta sa pinakamalalaking protesta simula noong Himagsikang Islamiko. Nagbanta ang pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump na gagawa ng aksiyong militar laban sa Iran dahil sa mga pagpatay. Isinagawa ng US ang pinakamalaking pagpapalakas ng militar nito sa Gitnang Silangan simula noong pagsalakay ng Estados Unidos sa Iraq noong 2003, habang ang Iran at US ay nagsagawa ng hindi direktang negosasyong nukleyar noong Pebrero.[1]
Ang biglaang pag-atake ng US-Israel ay pumatay kay Khamenei at iba pang mga opisyal ng Iran, at ilang sibilyan,[2][3] sa gitna ng negosasyong nukleyar. Ang mga kasunod na pag-atake ay nakasira sa mga base militar, pasilidad ng gobyerno, paaralan, ospital, at mga lugar ng pamanang kultural.[4] Bilang pagganti, naglunsad ang Iran ng daan-daang drone at balistikong misil sa mga target sa Israel at sa mga base militar ng US sa Bahrain, Hordan, Kuwait, Qatar, Saudi Arabia, Turkiya, at Emiratos Arabes Unidos.[5][6] Diumano'y inasinta ng Iran ang mga impraestrukturang sibilyan sa Aserbayan,[7] Kurdistan, at Oman.[8] Isang drone ang tumama sa Britong base militar ng Akrotiri sa Tsipre.[9] Ang tunggalian sa pagitan ng Hezbollah at Israel ay lumala at humantong sa digmaan sa Libano noong 2026.[10][11]
Nag-alok ang mga opisyal ng administrasyong Trump ng iba't iba at magkakasalungat na paliwanag para sa digmaan,[12] tulad ng pagpigil sa napipintong banta ng Iran, pagpigil sa paghihiganti ng Iran laban sa mga ari-arian ng US matapos ang inaasahang pag-atake ng Israel sa Iran,[13][14][15][16] pagsira sa mga kakayahang misil at militar ng Iran, pagpigil sa Iran na makakuha ng sandatang nuklear,[17] pagtiyak ng mga likas na yaman ng Iran,[18] at pagbabago ng rehimen sa pamamagitan ng pagdadala sa opisisyong Irani sa kapangyarihan.[19][20][21][22] Tinanggihan ng Iran, pati na rin ng mga opisyal mula sa Pentagon, ang mga paratang na naghahanda ang Iran ng isang pag-atake.[23] Sinabi ng Ahensiyang Pandaigdig ng Enerhiyang Atomiko (IAEA) na wala itong access na kailangan nito upang matiyak na ang programang nuklear ng Iran ay eksklusibong mapayapa, ngunit walang ebidensiya ng isang nakabalangkas na programa ng sandatang nuklear sa panahon ng mga pag-atake.[24] Kinondena ng kalihim-heneral ngNagkakaisang Bansa na si Antonio Guterres at ilang mga bansang hindi kasangkot ang mga pag-atake ng US-Israel; Kalaunan ay nagpasa ang Konsehong Panseguridad ng mga Nagkakaisang Bansa ng isang resolusyon na kinokondena ang mga paghihiganti ng Iran sa mga estado ng Gulpo.[25] Inilarawan ng mga kritiko ng digmaan, kabilang ang mga eksperto sa legal at internasyonal na ugnayan, ang mga pag-atake bilang ilegal sa ilalim ng batas ng Estados Unidos, isang aksiyon ng imperyalismo at isang paglabag sa soberanya ng Iran[26][27] sa ilalim ng batas pandaigdig.[28][29]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "US-Iran talks end with no deal but potential signs of progress". Reuters. 26 February 2026. Nakuha noong 26 February 2026.
- ↑ "How Trump Decided to Go to War". The New York Times. 3 March 2026.
- ↑ Fabian, Emanuel (28 February 2026). "Satellite image shows destruction of Khamenei's compound". The Times of Israel (sa wikang Ingles). ISSN 0040-7909. Nakuha noong 28 February 2026.
- ↑ Brown, Paul; Sardarizadeh, Shayan; Murphy, Matt (6 March 2026). "Iranian schools, hospital and landmarks among civilian sites hit during US-Israeli strikes". BBC Verify. Nakuha noong 6 March 2026.
- ↑ "Smoke seen in Bahrain, Qatar and Kuwait as Iran retaliates against strikes". Associated Press (Video). 28 February 2026. Nakuha noong 15 March 2026.
- ↑ Piper, Imogen; Kelly, Meg; Ley, Jarrett; Ducroquet, Simon (28 February 2026). "See where U.S., Israeli strikes have hit Iran and where Iran has retaliated". The Washington Post (sa wikang Ingles). ISSN 0190-8286. Nakuha noong 1 March 2026.
- ↑ "Azerbaijan threatens to respond after Iranian drones hit airport and near school". The Times of Israel. 5 March 2026.
- ↑ "Dubai airport, iconic Burj Al Arab hotel damaged in Iranian missile strikes". Reuters. 28 February 2026. Nakuha noong 1 March 2026.
- ↑ "Two drones intercepted heading for RAF base, Cyprus says". BBC News (sa wikang Ingles). 2 March 2026. Nakuha noong 3 March 2026.
- ↑ "Hezbollah claims responsibility for attack on Israel". Al Jazeera English. 2 March 2026. Nakuha noong 2 March 2026.
- ↑ "Israel attacks central Beirut in escalation of deadly assault on Lebanon". Al Jazeera English (sa wikang Ingles). 12 March 2026. Nakuha noong 14 March 2026.
- ↑ Sarovic, Alexander (11 March 2026). "(S+) Trump und Iran: Präsident siegessicher, Kriegsziel unbekannt" [(S+) Trump and Iran: President confident of victory, war aim unknown]. Der Spiegel (sa wikang Aleman).
- ↑ Stein, Chris (3 March 2026). "US strikes on Iran triggered by Israel's plan to launch attack, Rubio says". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 10 March 2026.
- ↑ "US House speaker: Israel's determination to strike Iran left Trump with a 'very difficult' decision". The Times of Israel (sa wikang Ingles). Associated Press. 3 March 2026. ISSN 0040-7909. Nakuha noong 10 March 2026.
- ↑ Mazzetti, Mark; Barnes, Julian E.; Pager, Tyler; Wong, Edward; Schmitt, Eric; Bergman, Ronen (2 March 2026). "How Trump Decided to Go to War". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 10 March 2026.
The president said he understood the risks of an attack, but he conveyed to Mr. Carlson that he had no choice but to join a strike that Israel would launch.
- ↑ "For Israel's Netanyahu, Trump grants wishes, but his support carries risks". The Washington Post (sa wikang Ingles). 8 March 2026. ISSN 0190-8286. Nakuha noong 10 March 2026.
Netanyahu made clear his desire to attack Iran's ballistic missile program in the coming weeks. The prime minister said Israel would be willing to strike Iran with or without U.S. involvement, though he wanted Trump to green-light the operation, the people said.
Netanyahu's determination to initiate hostilities led Trump to believe an Israeli attack was inevitable and that the best course of action was to involve U.S. military power to ensure its success, said two people familiar with this thinking. - ↑ "Read Trump's full statement on Iran attacks". PBS News. Associated Press. 28 February 2026.
- ↑ "GOP Sen. Lindsey Graham Brags 'We Are Going to Make a Ton of Money' on Iran War". People. 9 March 2026. Nakuha noong 10 March 2026.
"Venezuela and Iran have 31% of the world's oil reserves. We're going to have a partnership with 31% of the known reserves. This is China's nightmare. This is a good investment," he said.
- ↑ Magid, Jacob (28 February 2026). "Trump indicates goal of Iran strikes is to topple regime; tells Iranian people: 'When we're finished, take over your government'". The Times of Israel (sa wikang Ingles). ISSN 0040-7909. Nakuha noong 28 February 2026.
- ↑ Volz, Dustin; Ward, Alexander; Seligman, Lara (2 March 2026). "Trump's Case for War With Iran Faces Growing Scrutiny". The Wall Street Journal (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 March 2026.
- ↑ Glasser, Susan (2 March 2026). "Can Donald Trump Win a War with Iran If He Can't Explain Why He Started It?". The New Yorker. Nakuha noong 5 March 2026.
- ↑ Haake, Garrett; Leavitt, Karoline (4 March 2026). "White House says Trump's 'feeling based on fact' that Iran posed an imminent threat led to strikes. White House press secretary Karoline Leavitt said President Donald Trump's decision to launch Operation Epic Fury was based on the 'cumulative effect' of threats and his feeling 'based on fact' that Iran posed an imminent and direct threat". Associated Press (Internet video). Nakuha noong 4 March 2026.
[Total running time, 1:41 min.]
- ↑ Stewart, Phil; Pamuk, Humeyra (1 March 2026). "Pentagon tells Congress no sign that Iran was going to attack US first, sources say". Reuters. Nakuha noong 11 March 2026.
- ↑ "Iran Has No Structured Program to Build Nuclear Weapons, IAEA Says". The Wall Street Journal (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 March 2026.
- ↑ "How the world has reacted to US and Israeli strikes on Iran". BBC News (sa wikang Ingles). 28 February 2026. Nakuha noong 28 February 2026.
- ↑ Schneid, Rebecca (28 February 2026). "How the World Is Reacting to the Attack on Iran". Time (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 March 2026.
- ↑ Chávez, Steff; Politi, James; Hauslohner, Abigail (1 March 2026). "Donald Trump tries to defy troubled history of US interventions in Middle East". Financial Times. Nakuha noong 5 March 2026.
But the US president has been increasingly willing to take big gambles in foreign affairs, defying traditional diplomacy and the sovereignty of America's foes.
- ↑ Siddique, Haroon (2 March 2026). "What is the legality of the US and Israeli attacks on Iran?". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 10 March 2026.
- ↑ "US, Israel defend strikes at UN as Iran alleges 'war crime'". Philstar.com. Nakuha noong 2 March 2026.
- "Iran live updates: US embassies 'under direct attack,' Rubio says". ABC News (sa wikang Ingles).
- Alomar, Dana. "How Each Gulf Country Is Intercepting Iranian Missiles and Drones". Wired (sa wikang Ingles). ISSN 1059-1028. Nakuha noong 10 March 2026.
<ref> tag na may pangalang "ABC News-2" na binigyang-kahulugan sa <references>.); $2Maling banggit (Di ginamit sa teksto ang <ref> tag na may pangalang "Alomar-2026" na binigyang-kahulugan sa <references>.); $2