Birria
Ang birria ay isang rehiyonal na baryasyon ng barbacoa mula sa kanlurang bahagi ng Mehiko, na karaniwang gawa sa karne ng kambing, baka o tupa.[1][2][3][4][5][6][7] Ang karne ay ibinababad sa adobo na gawa sa suka, pinatuyong sili, bawang, at yerba at pampalasa (kabilang ang komino, dahon ng laurel, at tomilyo) bago lutuin sa sabaw na tinatawag na consomé. Sa simula, ang birria ay isang panrehiyong katawagan sa sa estado ng Jalisco at mga karatig-lugar para sa mga karneng niluto o inihaw sa isang hukay o hurnong nakabaon sa lupa, na tinatawag namang barbacoa sa ibang bahagi ng Mehiko. Ngunit para sa maraming tao ngayon, lalo na sa Estados Unidos, ang birria ay itinuturing nang isang natatanging ulam.
Birria na inihain kasama ng mga pampalasa | |
| Uri | Nilaga |
|---|---|
| Lugar | Mehiko |
| Rehiyon o bansa | Kanlurang Mehiko, Jalisco |
| Pangunahing Sangkap | Karne (karaniwang kambing o baka), pinatuyong sili |
| |
Kadalasan itong inihahain sa mga okasyong panselebrasyon tulad ng kasalan, binyagan, at mga pista gaya ng Pasko at Paskuwa, maging sa mga burol. Nagkakaiba-iba ang paraan ng paghahanda, ngunit karaniwang sinasabay ito sa tortilyang mais, sibuyas, unsoy, at dayap. Inihahain din ang birria bilang palaman ng tako.[8][9]
Ang mga restoran o kariton sa kalye na naghahain ng birria ay kilala bilang mga birrierías[10] at matatagpuan sa buong Mehiko, lalo na sa Michoacán at Jalisco. Gayunpaman, may kani-kaniyang baryasyon ng putahe ang mga karatig na estado gaya ng Aguascalientes, Zacatecas, at Colima.[8][11]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Velazquez de Leon, Josefina (1946). Platillos Regionales de la República Mexicana (sa wikang Kastila). Mexico: Ediciones J. Velázquez de León. p. 200. Nakuha noong 3 Mayo 2024.
- ↑ Brambila Pelayo, Alberto M. (1957). Lenguaje Popular en Jalisco (sa wikang Kastila). Guadalajara: Editorial Brambila. p. 28. Nakuha noong 3 Mayo 2024.
- ↑ Sánchez García, Julio (1956). Calendario folklórico de fiestas en la República Mexicana (sa wikang Kastila). Mexico: Editorial Porrúa. p. 264. Nakuha noong 3 Mayo 2024.
- ↑ Rodríguez Rivera, Virginia (1943). "Cartas de Achimarre". Revista Hispánica Moderna (sa wikang Kastila). 9 (4): 368. JSTOR 30205464. Nakuha noong 3 Mayo 2024.
- ↑ Gómez Gutiérrez, Mariano (1954). La vida que yo viví (sa wikang Kastila). Mexico: Editorial Luz y Vida. p. 3. Nakuha noong 3 Mayo 2024.
- ↑ Bayless, Rick (1990). "On Cooking in Mexican Earth" [Ukol sa Pagluluto sa Lupang Mehikano]. The Digest (sa wikang Ingles). 10: 6. Nakuha noong 3 Mayo 2024.
- ↑ Zuno Hernández, José Guadalupe (1958). Historia de la ironía plástica en Jalisco (sa wikang Kastila). Guadalajara: J. Trinidad Chávez. p. 59. Nakuha noong 3 Mayo 2024.
- 1 2 Rafael Hernández, "Birria," sa Celebrating Latino Folklore: An Encyclopedia of Cultural Traditions [Pagdiriwang sa Alamat ng Latino: Isang Ensiklopedya ng Kultural na mga Tradisyon] (sa wikang Ingles), Tomo 1 (2012, pat. María Herrera-Sobek).
- ↑ Tamez, Abraham; Barreras, Roxana (2021-02-26). "Birria: its successful ancestral secret recipe" [Birria: matagumpay na lihim na resipi ng mga ninuno]. interesante.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-08-02. Nakuha noong 2023-06-18.
- ↑ Herrera-Sobek, María (2012). Celebrating Latino Folklore: An Encyclopedia of Cultural Traditions [Pagdiriwang sa Alamat ng Latino: Isang Ensiklopedya ng Kultural na mga Tradisyon] (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. ISBN 978-0-313-34339-1.
- ↑ Rao, Tejal (2021-02-08). "The Birria Boom is Complicated but Simply Delicious" [Komplikado ang Kasikatan ng Birria, Pero Simpleng Masarap]. The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-08. Nakuha noong 2021-07-26.