Briccio Pantas at ang Katipunan sa Batangas
Quezon City: Limbagang Pangkasaysayan (
2015)
Copy
BIBTEX
Abstract
Sa monograp na ito, tatangkaing pagsama-samahin ang sabug-sabog na tala tungkol kay Briccio Brigido Pantas (1864-1939) upang makabuo ng pangkasaysayang pagkilala sa kanya. Ngunit sa halip na isang buong talambuhay, bagama’t magbabanggit ng ilang tala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang buhay, pagtutuunan lamang talaga ng pansin sa sanaysay na ito ang mga talang may kaugnayan sa Katipunan at Himagsikan. Panimulang ambag ito sa pagbubuo ng mas komprehensibong kasaysayang buhay ni Pantas sa konteksto ng kasaysayang pampook ng Batangas at kasaysayang pambansa ng Pilipinas sa diwa ng kasaysayang bayan ng bagong kasaysayan.